Statement of the Favis family regarding the incident on the ship of Rodrigo Favis under Jebsen PTC



The Favis family issued an official statement on September 3, 2026, about the incident involving Rodrigo Favis, who was serving under Jebsen PTC in the Strait of Hormuz on August 31.

The full statement issued in Pilipino:

Ang pamilya ni RODRIGO FAVIS, isang Pilipinong seafarer na nakatalaga sa ilalim ng manning agency na Jebsen PTC, ay opisyal na naglalabas ng pahayag na ito upang hilingin ang mabilis, makatarungan, at transparent na imbestigasyon ukol sa kanyang kalagayan at sa totoong nangyari sa kanyang barko.

Ayon sa paunang impormasyon, noong Lunes, Agosto 31, 2026, nagkaroon ng matinding insidente sa barkong kinabibilangan ni Rodrigo Favis. Sa kabila ng orihinal na kasunduan na ang rota ng barko ay sa Europa lamang, nalaman lamang ng biktima sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan sa barko at hindi mula sa opisyal na abiso ng kumpanya na sila ay dadaan sa Strait of Hormuz (isang itinuturing na High Risk Area / War Risk Zone).

Hanggang sa kasalukuyan:

* Wala pang natatanggap ang pamilya na anomang opisyal na Incident Report mula sa Jebsen PTC, sa kapitan ng barko, o sa flag state ng barko na nagpapaliwanag kung ano ang eksaktong nangyari.

* Wala pa ring malinaw na kumpirmasyon o opisyal na ulat kaugnay sa status o kinaroroonan ng katawan ng biktima.

* Sa kabila ng kawalan ng mga dokumentong ito, binibigyang-diin ng pamilya na ang manning agency (Jebsen PTC) ay nagpipilit o nag-aalok na papirmahin sila ng isang Acceptance Letter.

Dahil dito, opisyal na ipinapahayag ng pamilya Favis ang mga sumusunod:

* Tahasang hindi pipirma ang pamilya sa alinmang Acceptance Letter, Waiver, o Release Document hangga't walang buo, opisyal, at pormal na Incident Report mula sa mga awtoridad at hangga't hindi malinaw ang katayuan at kinaroroonan ni Rodrigo Favis.

* Hinihiling ng pamilya ang agarang tulong mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) upang pumasok sa kaso at imbestigahan ang kawalan ng tamang abiso sa pamilya ukol sa pagdaan ng barko sa High-Risk Zone (Strait of Hormuz).

* Hinihiling ng pamilya ang ganap na transparency at pananagutan mula sa Jebsen PTC at sa Principal Shipowner nito.

Ang pamilya ay patuloy na humihingi ng panalangin at ng agarang aksyon mula sa ating pamahalaan upang makamit ang hustisya at katotohanan para kay Rodrigo Favis.

Para sa mga katanungan ng media, legal na koordinasyon, at suporta:

Kinatawan ng Pamilya: Ryan M. Favis

Contact Number: 09942230254

Email Address: ryanfavis@gmail.com

Main photo caption: Rodrigo Favis (Instagram)



Comments

Popular posts from this blog

Andi Eigenmann rants vs powerful, rich family

Sarah G. speaks up on power of voice

Matt Evans shows love for family, mom